Originally, dapat sa Vigan pupunta ang mga singles ng barkada. Pero dahil mas pinili ni Cheng ang studies over friends and lover, hindi na kami tumuloy sa Vigan. Sa august na lang daw kami tutuloy sabi ni Ivo.
(Correction: Sabi ni Cheng, hindi daw ito totoo. In fact mas pinili nga nya ang friends at outings kay muntik na yang maging graduate school drop-out).
Saturday, May 26, kami ay pumunta sa Zambales.
Nagising ako nang around 5 am. Pagkaligo ko eh ginising ko si Jack via phone. As usual, mahirap syang gisingin. Sa awa nag poong maykapal, by 7 am eh ready na sya. Since hindi pa sya nagkakape, medyo mainit pa ang ulo nya. Bumili kami ng ice sa Mini Stop para lumamig ang mga drinks namin - Red Horse, Cervesa Negra, San Mig Strong, Soya Milk, Chokolait, at Soft drinks.
Mga 8 am eh dinaanan namin si Ivo sa 7 11 kamuning. Nanginginain ang lolo mo pagdating namin. Isinakay nya ang kanyang scuba gears, backpack at travelling bag. He's such a light traveler talaga! Buti pa si Jack at isang pink lang na bag na pamalengke ang dala (mukha kasing fishnet!).
8:45 eh nag-stop over kami sa Holidayland sa San Fernando, Pampanga. Ang breakfast namin eh Pampanga's specialty: tocino omelet with rice at syempre and batirol (Pampanga's version of the Chocolate Eh). Grabe ansarap mag-breakfast dahil katabi namin ang pool. Kungnaka-swimming trunks lang ako nun eh tumalon na siguro ako. Ha ha ha.
After breakfast we drove again. 11:30 na ata kami nakarating sa Olongapo dahil sobra trapik. Bumaba ako sa Olongapo to meet some old friends samantalang si Ivo at Jack ay nag-lunch sa SBMA. At nagkapi ng dalawang beses. Sosyal talaga mga friends ko na ito.
4pm eh binalikan nila ako at nag-drive na kami papuntang San Antonio. Grabe, napakaganda ng tanawin. Sobra ganda ng kalsada, maayos. Tagsibol na kaya green na green ang kabukiran. Andaming goats at cows na nag-ge-graze. I wonder kung hindi sila nagsasawa sa damo. Dapat i-try naman nila ang pork. or beef. para rich in protein.
Huminto kami along San Antonio Highway. Si Ivo ay kailangang umihi sa likod ng puno ng kawayan. Si Jack ay kailangang mag-yosi break. Ako ay unimon ng soya milk. Nagpa=picture din kami ni Jack sa tabi ng mga kambing. Masang-masa ang dating namin. Very close pa sa nature.
Ang Pundaquit pala ay isang fsihing community sa Southwest San Antonio. Nung dumating kami eh sunset na. Very progressive talaga ang sunset. Nag-iiba ng colors every minute. Ganda! May yellow, may purple, may violet, may orange. Kaming tatlo ay umupo sa buhanginan habang nanonood ng sunset. The setting is so romantic and familiar. It turns out, sa Pundaquit pala nag-shooting ang "Maging Sino Ka Man".
Mga 7 pm na ata dumating yung mga fellow Docents from Ayala Museum: Marilyn, Abet, Pat, Ian, Tess, Van, Kay.
We had dinner na most seafoods. I was introduced to the local fish variety, Lipistikan. Lasang tilapia sya. Pero hindi nasarapan si Marilyn kasi pati balat kinain nya.
After dinner, yosi break. Nahati ang table between the first world and the third world. The third world guys are the yosi guys. Hurray!!!!
Nag-inuman kami hanggang magdaman. Naglaitan, nag kwentuhan, nagbugubugan. Ang pikon ay talo. Hindi na kami nakapag-night swimming dahil malakas ang alon.
Kami ay natulog...... Maaga pa kaming gigising. Sana magising si Jack nang maaga.
Next blog. Camara Island and Capones Island.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment