Saturday, April 28, 2007

La Mesa Eco Park, April 14, 2007

Napagkaisahan ng barkada na mag-out of town sa weekend ng April 14. I suggested to go to Tagaytay. Ivo suggested to conduct picnic sa La Mesa Eco Park.

Since marami pa sa amin ang hindi nakakarating sa La Mesa. Pumayag kami.

Ang plano. Sabado, April 14. Also 8 ng umaga, lalarga papuntang QC. Bibili na lang ng foods sa daan. Meeting place sa haus.

Sabado, 8 AM.

Bigla akong nagulantang sa sobrang lakas na doorbell ni Ivo. Namputsa, parang ngayon lang naka-pindot ng doorbell.

Sya ay nagulat dahil hindi pa handa ang alhat ng participants. Sya pa lang ang ready. Pati ata si Cheng. Naks! Meant for each other talaga ang 2.

Habang ako aya naliligo at nagpre-prepare ng gamit, minabuti ni Ivo na manoong ng Prison Break sa aking room.

Si Anj ay pinilit pagbihisin ni Cheng. Si P ay nakapaghanda naman agad. Si Jack. Ayan na. Hindi ko alam kung sino ang nangahas na gumising sa kanya. I'm sure, parang suspense-thriller na pelikula ang naganap.

By 9:45 eh ready na ang lahat. Ready na ang mga shades. At ready na rin ang 2 itim na sasakyan na gagamitin.

Car No. 1. Team Ex+ 1 composed of Ivo, Cheng, at Jack. Wag nyo nang itanong kung bakit team ex.

Car No. 2. Singles for Christ + 1 composed of Mike, P, and Anj.

Dumaan kami sa neighborhood Mini Stop para sa Ice.

Diretso kami a Shopwise Pasong Tamo. Namili ng Soft drinks, water, chicken broiled, fruits, finger foods.

Heto na. May nakalimutan daw si Cheng. As usual, yung Thesis pala nya. Nag-decide sya na since madadaanan naman namin ang UP, balak nyang mag-submit ng output sa thesis adviser nya. Yeheey! Ga-graduate na sya!!!

Nakarating kami sa UP, tapos diretso paunta sa Commonwealth. Biglang sabi ni Anj, may maganda raw syang joke. Tungkol kay San Pedro. Nakakaiyak sya. Pero para naman pa-consuelo dahil galante magpasalubonh si Anj, sobranf humagalpak kami sa katatawa ni P. Bwa ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha. Naasar si Anj. Nakita ang building ng Commission on Human Rights. Aba!!! Balak mag-sumbong.

Ala-una na ata kami nakarating sa Ecopark. Andaming tao!!!!!!!!!!!
Nag-prepare kami ng picnic table malapit sa boating lagoon. After lunch, naglatag kami ng higaan. Nagpahinga. It's so hot in the Philippines!!! Tama nga si Al Gore!!

Around 3:30 pm, nag-decide kaming mag-boating. Ansarap. 4 feet lang pala ang lagoon. Si P, syempre kidit. Kabadong kabado!! Muntik pa kaming mapaaway sa ibang boats.

After boating, dumiretso kami sa picnic area. Medyo mahabang lakaran. Nagyosi ang brotherhood and sisterhood of marlboro.

5pm, nag-decide kami na umuwi na dahil may lakad pa si Ivo.

Pauwi, sa akin na rin sumaklay si Cheng at si Jack.

Kinalingguhan, pagod ang lahat. Nagpamasahe ako. Sarap!

No comments: