Saturday, April 28, 2007

Holy Week 2007

Holy Wednesday.

Halos lahat ng tao sa office ay naka-vacation mode na. Pati nga ako eh naka-summer outfit na rin. Kulang na lang, pumasok ako na naka-sando, beach shorts at sunglasses. May mga clients na nagtawagan, may mga pahabol na requests, complaints, at mayroon din namang nag-che-check kung totoo nga na ang BPI AMTG ay whole day pa rin. Tagal umandar ng orasan. So trabaho mode muna.

5:20, kiniha ko na ang clutch bag ko na may lamang wallet, cell phone, credit card holder, calling card holder, at mga gamot at vitamins. Nagpatay ng computer, nag-lock ng stell cabinet at side drawer. Nag-check ng work area. Naks! Pang 5S!

5:30 Naglalakad na ako sa harap ng security guard namin papunta sa elevator. Diretso sa parking lot at pinaharurot ang aking sasakyan papuntang Shopwise Makati. Kailangan ko kasi8ng mamili ng kaunting pasalubong at kaunting provision para sa aming road trip paupuntang Ilocos.

7:00pm, natapos din ang shopping. Haba ng pila. Nagasgas na naman ang credit card. Ang laman ng trunk ay mga softrdrinks, fruits, chichiria, atbp. Diretso ako sa Makati Prime City. Nag-[ack ng damit. Nagpahinga ng konti.

10:00 pm. Naalimpungatan ako sa busina sa tapat. Dapat nga pala eh around 8pm ang departure time namin. Naligo ako ng konti. Kinti lang. He he he.
Convoy pala kami ng car ni Pinky. May dadaanan ata si Che sa bahay nila Pinky. Ayos, na rin dahil laging may free dinner ang mom ni Pinky.

12:00 Natapos kaming kumain sa bahay ni Pinky. Syempre busog. Pero kailangan na naming lumarga dahil madaling araw na.

Holy Thursday

1:00 am Hinto muna kami sa NLEX Shell para stop over. Medyo naiihi na rin kasi kami. Kumain ng kaunti.
Muntik na akong maiyak dahil napinahan ko yung isang sasakyan sa parking lot. Ayun, nagkaroon tuloy ng kaunting scratch si Princess Royale.

4:30 am, nakarating kami sa San Jose. Nag-unpack. Konting kwentuhan. Mag 6 am na ata ako natulog. Buti na lang ang Friday morning na pala kami aalis.

Nagising ako ng around 12 noon. Nagpamasahe. Nanoon ng tv. Internet. Kain. Tulog. Pahinga. Grabe sa init ng panahon. Pero kailangang mag-rest dahil madaling araw kami aalis.

Holy Friday

Umalis kami ng alas dose ng madaling araw, tanghali pala. Ha ha ha ha. As usual, late nagising ang mga magda-drive.

Convoy kami. 2 sasakyan. Total of 7 adults and 3 children. Puno nga amenities ang trunks. Parang dala ata ang buong bayan.

Bumisita sa mha simbahang nadaanan. Pagdaan namin sa San Luis Beltran Church sa Asingan, naalala ko na taga-Asingan nga pala yung isang kaibigan, office mate, at classmates sa Instituto Cervantes na si Andrei (pero Theodore Andre ang buo nyang pangalan). Nag-text ako at hayun, umuwi rin pala sya for the Semana Santa. Bigla syang sumulpot sa harap ko habang nanginginain ako ng street food sa harap ng simbahan. Kwentuhan konti.

Marami pa kaming simbahang nadaanan. Sabi nga mom ko eh may nagparamdam daw sa kanya sa may Sta. Lucia Chursh.

I enjoyed Agoo Churh dahil sa lifesize nilang mga rebulto for the procession. Halatang ginastusan ang procession.

Last Church namin ay ang Our Lady of Namacpacan Church sa Luna, La Union.

We rented a beach house sa Luna. Nagkainan. Nag-night swimming pero hanggang site seeing lang dahil nakakatakot ang beach. Mabato, ma-corrals at mahalaman sya. Naglaro ako si Che at si JP ng Pusoy dos. As usual, talo na naman angbunso naming si JP.

Black Saturday

Naligo kami sa beach. Nag-snorkeling ako. Pasado na rin ang tubig. Maraming isdang lumalangoy. Sige langoy lang nang langoy.

10 am We departed for Vigan. Dumaan ulit kami sa Namcpacan Church. Then dumiretso kami sa Vigan.

3:00 pm, Vigan na kami. Nag-lunch kami sa Max's. We tasted the Vigan longanisa and the dinoydoy. Namasyal kami habang nakasakay sa Calesa. Pumunta kami sa Syqui mansion and then diretso na a Baluarte ni Chavit Singson. Sa baluarte, I was impressed by the landsape. May ibat ibang hayop din tulad ng mini ponies, tigers, white deer, peacocks etc etc. Yung alaga naming mini-pinscher eh nakatuwaan ng isang ponies/ Balak habulin.

Konting pasyal pa and then by sunset balik kami sa Pangasinan.

10pm, San Fabian, Pangasinan. Nag-check in kami s isang resort sa Nibaliw, San Fabian. Tulog agad kami dahil sa sobra pagod.

Easter

Naligo sa beach ang buong pangkat. Medyo naglakad ako sa aplaya. Naghalo-halo sa gilid ng beach. Di ako naligo sa beach dahil sobra init. At, punong puno ng tao. Buong Pangasinan ata eh nag-beach. Buti na lang at may swimming pool ang resort. Yes!! Maisusuot ko rin ang Speedo trunks ko at goggles. He he he.

Nagluto ng seafood for lunch. Sarap ng fresh seafoods.

2:00 pm. Manaoag Church. Syempre , hindi kumpleto kung hindi dadalaw sa Our Lady of Manaoag. Sinamantala ko na rin para ma-bless ang sasakyan ko. 3pm na atadumating si Father. May kasabay akong 3 sasakyan na high end (Maserati SUV, Porsche, at Ssangyong) na iisa ang may-ari. Isang Congressman mula sa Region 2.

After the Manaoag Church, diretso na kami sa Urdaneta para mamili ng seafoods.

7pm Welcome San Jose!!!

Sa uulitin!!!!!!




Balik sa

No comments: