Isa na naman sa aming mga kaibigan ang ikinasal. Si Atty. Ferdie Aguire, brod sa Econsoc ay ikinasal sa Caleruega, Nasugbu at may reception sa Tagaytay.
Syempre, hindi ito pinampas ng grupo.
Ang mag dumalo:
Mike
Roselle at U
Cheng at Ivo
P
Jack
Bart
Dino
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ako nakasabay sa car ni Dino noong April 20 ng gabi. Kinailangan kasi akong dumalo sa isang kapihan. Ha ha ha.
Kaya ako umalis sa Makati April 21 na. Kasabay ko sina Roselle at U. Sabi nila reader daw ako at commentator si Roselle. Kaya dapat 6am pa lang eh lmarga na kami., By 8:30 an eh nasa simbahan na kami ng Caleruega. Naglibot muna kami sa compound habang hinihintay ang grupo nila Ivo na naka-Check in sa Evercrest. Doon din naka-check in ang entourage.
Hinanap ko yung part ko sa mass. Si Roselle pala ay hindi na commentator.
Grabee. Ang groom, si Ferdz, ay may measles. Ordinary measles daw at hindi German measles. Tinanong ko kung rubella ba. Hind raw.
9am nagdatingan ang Ivo, Dino, Bart, Cheng at Jack. Nagsimula ang umaatikabong kodakan. Kodak sa may halaman, sa may simbahan, sa damuhan, sa bride, etc, etc.
Wala pa rin si Archbishop Arguelles!
9:45 na nagsimula ang kasal. Ok naman. Gusto ko ngang kumanta kaya lang baka magalit si Ferdie pag kinanta ko yung mga performance-level kong kanta tulad ng Maging SIno ka Man at This is the Moment. Si P ay guston atang kumanta ng Aegis. Bwe he he he.
After the wedding, kodakan na naman. Hirap maging artista.
Ang reception ay ginanap sa isang bangin. Hindi pala. Splendido Gold and Country Club pala yun. Grabe sa tarik ang venue.
Andaming bisita. Per mas maraming pagkain. He he he.
Si Cheng ang nag-emcee. Ayaw samahan ni Ivo, nahihiya ata.
Kainang umaatikabo. May soup, may appetizers, salad, main dish at desserts.
Si Cheng ang inabutan ng bouquet. Baka sya nag sususnod na ikakasal!!! Ano kay ang masasabi ni Ivo.
After the program, nga-change outfits ang grupo. Naka-shorts ata ang lahat.
It was decided na magpalamig sa Sonya's Gardes. Maganda sya at maraming halaman. Natural, garden nga eh. Kodakan na naman. Ang mga girls balak atang kodakan lahat ng sulog ng garden. Si Ivo, Dino at akoo ay umupo sa pasimano ng garden at nag-compute ng nagastos ni Ferdz. Mahal masyado. He he he.
Nang magsawa sa kodakan si Cheng, P at Jack, larga na naman kami papuntang Bag of Beans para magkape.
Hetyo ang orders:
Mike, Ivo, Dino: Bottomless brewed cofee
P, Cheng, Jack: Shakes
Cinnamon bread with raisins.
Nagpalipas ng oras. Sobra ganda nga garden ng Bag of Beans.
Afterwards, diretso sa Picnic Grove. Seque muna kami ni Ivo sa halamanan. Bumili ako ng mga halaman na kapangalan ng mga tao samantalang si Ivo ay bumili ng Bonsai na maliit. Sabi ko nga sa knya yung full grown na lang ang bilhin. He he he.
6pm, Picnic Grove. Hindi namin sila makita. Iba pala kami ng pinuntahan. Nag0meet kami sa Gelogical Marker malapit sa Kite Flying area. Nag-senti sa saliw ng musika ng picnic grove. Anlamig ng paligid. Kodakan muli.
7:15pm. Leslies'. Umorder kami ng nilagang baka, fried tawilis at sisig. Dahil nga sa sobrang lamig, madaling magsebo ang bulalo. 8:15 eh tapos na kaming kumain. Diretso uwi
11 pm, Touch down sa Makati Prime City.
Sarap sa Tagaytay.
Sa May 25 eh lalarga ako, Ivo, Cheng, Jack at P pauntang Vigan.
Sa May 18 naman eh sa Fontana kami, Summer Outing ng AMTG - AMD.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment